Lunes, Pebrero 20, 2017

NEW MOMMY ( tagalog story)


Ang bagong mommy 

Alas-tres ng hapon ang libing ng baby nina Alice at John. Kaya nagmamadaling pumara ng sasakyan si Lisa dahil baka ma-late sya sa libing ng inaanak.
Sa sementeryo na sya dumiretso, nandoon na rin ang iba pang kaibigan nila na sina Mark at Joyce.
Pagkatapos ng libing, sinamahan ng tatlo si Alice na sadyang nagpaiwan at hindi tumitigil sa pag-iyak. Basang-basa na ang panyo nito sa luha.
Makalipas ang isang oras na pagkakatayo sa gitna ng maraming puntod, nagyaya na rin itong umuwi.
Nagtaxi na silang tatlo pauwi. Sobrang napagod sila sa pagtayo kasama ni Alice. Halata sa mukha ni Joyce na gusto nitong magreklamo dahil sa sakit ng balikat pero ngumiti lang ito.
Unang bumaba si Joyce. Hindi alam ni Lisa kung namamalikmata lang ba sya o totoong nakita niyang may nakaaba sa likod nito habang naglalakad. Isang baby na nakaputi na bigla ring naglaho pagpasok niya sa pintuan nila. Sinarili na lamang niya ang nakita baka pagtawanan siya ni Mark.
Sumunod na bumaba si Mark. Kinabahan na si Lisa ng makitang may nakaaba ding baby na nakaputi sa likod ni Mark. Nanindig ang mga balahibo nya dahil alam niyang minumulto sila. Kaya pala masakit ang mga katawan nila lalo na ang balikat dahil may batang nakaaba.
Pagbaba ni Lisa sa gate ng compound nila, agad syang tumakbo ng mabilis papunta sa unit nya sa ika-tatlong palapag. Hindi na sya nag-elevator. Agad syang pumasok at isinara ang pinto.
Hindi na sya nagbihis pa. Pinuntahan agad niya ang salaming nakalambitin sa wall. Kinakabahang sinuri ang sarili kung may batang nakaaba. Laking pasasalamat nya ng wala naman syang nakita.
Maya maya, nagtext ang guard mula sa gate ng compound nila. “Mam, nai-register nyo na po ba ang baby ninyo sa admin office?”
Muntik ng maihi si Lisa sa takot. Mabilis syang lumabas at sumakay ng elevator. Gusto nyang pumunta sa maraming tao dahil sa takot.
Pagsara ng elevator, halos takasan ng ulirat si Lisa ng makita sa repleksyon nito ang batang mukhang demonyo na nakaaba sa likod nya.
Isang malakas na sigaw ang kanyang pinakawalan. Nakakatakot ang mukha ng bata. Parehong pula ang malalaking mata nito at nakangiti sa kanya.
Lalo syang kinilabutan nung hindi nya ito mahawakan. Nagtaasan talaga ang mga balahibo niya.
Napaupo sya takot ng biglang namatay ang ilaw at tumigil ang elevator.
Pagbukas ng ilaw, nasa harap nya na ang malignong bata. Hindi siya makagalaw sa sobrang takot. Nawalan sya ng ulirat ng nagsalita ang bata, “kaw bago mami.”

source
https://pinoyhorrorstories.com/2014/06/18/kwentong-nakakatakot-ang-bagong-mommy/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

alien planet prince ch 3(yaoi)(MXM)#yaoi #gay #manwha

  Kim PyeongBeom is an ordinary person who lives a common life, but one day an alien with the appearance of a teddy bear lands in his room! ...